KKDAT at LGU ng Samar, nakiisa sa Tree Planting Activity sa Marabut, Samar

Nakiisa ang mga Kabataan Kontra Droga at Terorismo at Local Government Unit ng Samar sa isinagawang Tree Planting Activity sa Brgy. Logero Marabut Samar nito lamang Martes ng umaga ika-29 ng Agosto 2023.

Ang aktibidad ay pinangunahan ni Atty. Percival Ortillo, Jr., Municipal Mayor kasama ang mga tauhan ng 4th Maneuver Platoon, Marabut MPS, BFP at mga kabataan ng nasabing barangay.

Layunin nito ang mapangalagaan ang ating kalikasan at sa tulong ng pagtatanim ng mga puno sa ating kapaligiran ay nilalabanan nito ang pagguho ng lupa.

Patuloy ang nasabing grupo na makiisa sa pangangalaga ng ating kalikasan at hinihikayat din ang ating mga mamamayan na magtanim ng mga punongkahoy sa ating mga bakuran.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *