PPCPO nakiisa sa 33rd Pista’y Ang Cagueban, isinagawa sa Puerto Princesa City, Palawan

0
viber_image_2025-07-01_17-00-00-089

Matagumpay na isinagawa ang 33rd Pista’y Ang Cagueban na may temang “Tayo ang Kalikasan: Nagkakaisang Tugon sa Krisis ng Mundo,” na ginanap sa Km 28, Barangay Montible, Puerto Princesa City, Palawan nito lamang ika-28 ng Hunyo 2025.

Ang aktibidad ay naisakatuparan sa pangunguna ng Pamahalaang Lungsod ng Puerto Princesa at sa tulong ng City Environmental and Natural Resource Office. Hindi rin mawawala ang pakikiisa ng Puerto Princesa City Police Office (PPCPO), sa pamumuno ni PCol Cornelio C Tadena Jr, City Director, bilang bahagi ng pangako sa pangangalaga sa kapaligiran at pagkilos upang mapanatili ang magandang klima.

Layunin ng kaganapan ang sama-samang pagsisikap ng iba’t ibang sektor sa pagsusulong ng pangangalaga sa kalikasan sa pamamagitan ng pagtatanim ng mga puno at rehabilitasyon ng kagubatan.

Source: Puerto Princesa City Police Office

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *