Drug Symposium isinagawa sa Pangantucan, Bukidnon

Matagumpay na naisagawa ang Drug Symposium ng Revitalized Pulis sa Barangay (R-PSB) Pangantucan Cluster 2 sa Bacusanon National High School, Purok 1 ng Barangay Bacusanon, Pangantucan, Bukidnon nito lamang Agosto 30, 2023.

Aabot sa 46 Senior High School na estudyante ang atkibong nakinig at nakilahok sa symposium. Ilan sa tinakalay ng R-PSB ang tungkol sa masamang dulot ng ilegal na droga, Buhay Ingatan Droga’y Ayawan (BIDA) Program at mga aktibidad ng Kabataan Kontra Droga at Terorismo (KKDAT).

Ito ay bahagi ng program ng PNP upang makaiwas ang mga kabataan sa banta ng ilegal na droga at terorismo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *