Food Packs handog para sa mga PUPC

Food packs ang handog ng Triskelion Tau Gamma Phi Quirino Anonas Community Chapter para sa mga Person’s Under Police Custody (PUPC) sa 81 Anonas Road, Brgy. East Kamias, Quezon City nito lamang Setyembre 2, 2023.

Ito ay pinangunahan ng Triskelion Tau Gamma Phi Quirino Anonas Community Chapter katuwang si Police Staff Sergeant Dhiel Verganza sa ilalim ng superbisyon ni Police Lieutenant Colonel Ferdinand Casiano, Station Commander ng Anonas Police Station.

Ang aktibidad ay idinaos upang maipadama sa mga PUPC ang kalinga at malasakit ng mga naturang grupo para sa ating kababayan na may pananagutan sa batas.

Pasasalamat naman ang naging tugon ng mga PUPC para sa handog na libreng pagkain at naging inspirasyon sa kanila ang mga salita ng naturang grupo upang magbago at sundin ang salita ng Diyos.

Patuloy ang iba’t ibang grupo at PNP sa pagtataguyod ng bayanihan at kapayapaan tungo sa pagkamit ng kaunlaran sa ating bayan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *