Community Outreach Program isinagawa sa Sta. Ignacia, Tarlac

Nagkaisa ang pulisya at Lingkod Bayan Advocacy Support Group sa isinagawang Community Outreach Program sa Sitio Sampaguita, Barangay Poblacion, Sta. Ignacia, Tarlac nito lamang Sabado, ika-2 ng Setyembre 2023.

Pinangunahan ito ng mga tauhan ng Tarlac 2nd Provincial Mobile Force Company sa ilalim ng pamumuno ni Police Lieutenant Colonel Ford B Sudaypan, Force Commander.

Nagkaroon ng feeding program at pamimigay ng school supplies para sa mga batang residente ng naturang lugar.

Sinisiguro ng PNP at Lingkod Bayan Advocacy Support Group na patuloy magtutulungan sa paghahatid ng tulong sa mga mamamayan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *