Barangay Based Group Sta. Ana Chapter, nakiisa sa Clean-up Drive Activity

Patuloy ang pakikiisa at pagtulong ng mga miyembro ng barangay based group-Sta. Ana Chapter sa isinagawang Clean-Up Drive Activity sa kahabaan ng Barangay Rapuli, Sta. Ana, Cagayan noong September 1, 2023.

Alas-sais pa lang nang umaga ay nag-umpisa nang maglinis at mamulot ng mga basura sa daan ang grupo. Pinangunahan ito ng mga miyembro ng 4th Maneuver Platoon, 2nd Cagayan Provincial Mobile Force sa Company sa pangunguna ni Police Captain Vhee-R P Soriano, Platoon Leader.

Ang aktibidad ay nagpapakita ng pagkakaisa sa paglilinis at papapahalaga sa kalikasan upang makaiwas sa mga sakit at suliranin na dulot ng nasisirang kapaligiran. Source: 2nd Cagayan PMFC

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *