Clean-Up Drive isinagawa sa Hermosa, Bataan

Nagkaisa ang pulisya at mga opisyal ng barangay sa isinagawang Clean-up Drive sa Barangay Mabuco, Hermosa, Bataan nito lamang Linggo, ika-3 ng Setyembre 2023.

Pinangunahan ito ng mga tauhan ng Bataan 1st Provincial Mobile Force Company sa ilalim ng pamumuno ni Police Lieutenant Colonel Brownson B Ollaging, Force Commander.

Nagtulungan sa pagwawalis sa paligid ng naturang lugar kung saan tinanggal rin ang mga maaring pamugaran ng mga lamok.

Layunin nito na mapanatili ang kalinisan ng kapaligiran at masiguro ang kaligtasan ng mga mamamayan na nakatira sa lugar.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *