Force Multipliers, nakiisa sa Livelihood Training on Organic Farming sa Catbalogan City
Nakiisa ang mga Force Multipliers sa isinagawang Livelihood Training on Organic Farming para sa mga biktima ng pang-aabuso at insurhensya sa Brgy. Maulong, Catbalogan City, Samar noong Setyembre 3, 2023.
Ang aktibdad ay inisyatiba ng tauhan ng Samar PPO kasama ang kinatawan ng Trade and Industry, Livelihood Development, SWD, TESDA, AFPSLAI Catbalogan at mga barangay officials at residente ng nasabing lugar.
Ang aktibidad ay dinaluhan ng 100 benepisyaryo mula sa buong Samar Province. Nakatanggap ang mga kalahok ng sampung ulo ng free range heritage chicken at mga starter pack na binubuo ng iba’t ibang uri ng organic feeds at concoctions upang simulan ang kanilang livelihood organic farming.
Ito ay tinawag na Project F.A.I.T.H. (Food Always in the House) at pagbisita upang pagbigay ng H.O.P.E. (Home of Persons Enriched with love).
Ang pangunahing layunin ng aktibidad ay tulungan ang mga biktima ng pang-aabuso at insurhensya na muling buuin ang kanilang buhay. Naniniwala ang nasabing grupo na ang organic farming ay makapagbibigay ng sustainable source of livelihood para sa mga biktimang ito.