Brgy-Based Group, nakiisa sa Community Outreach Program sa Alcala, Cagayan

Nakiisa ang Barangay Based Group sa Community Outreach Program na ginanap sa Brgy. Cabuluan, Alcala, Cagayan nito lamang ika-5 ng Setyembre 2023.

Ang aktibidad ay inisyatiba ng Provincial Community Affairs Development Unit, Cagayan Provincial Police Office sa pangunguna ni Police Lieutenant Colonel Osmundo M Mamanao, kasama ang tauhan ng Alcala Police Station at 1st CPMFC.

Tampok sa aktibidad ang libreng gupit, gift giving at libreng pakain sa mga estudyante at residente ng nasabing lugar.

Ang programa ay nagpapakita ng serbisyong nagkakaisa na may layuning makapagbigay saya at tulong sa mga nangangailangan. Source: 1st CPMFC

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *