KKDAT at Force Multipliers ng Quinapondan, nakiisa sa Tree Planting Activity sa Eastern Samar

Nakiisa ang mga KKDAT at Force Multipliers ng Quinapondan sa isinagawang Tree Planting Activity sa Brgy. 01, Quinapondan, Eastern Samar nito lamang Martes ika-5 ng Setyembre 2023.

Ang aktibidad ay nilahukan ng Kabataan Kontra Droga at Terorismo at Force Multipliers ng Quinapondan kasama ang mga tauhan ng 2nd Eastern Samar Provincial Mobile Force Company.

Layunin ng aktibidad na mapanatili ang sariwang hanging dumadaloy sa kapaligiran at maiwasan ang pagbaha sa lugar.

Samantala, hinihikayat ng grupo ang ibang kabataan at ibang force multipliers na makiisa sa ganitong klase ng aktibidad upang pagyamaning muli ang ganda ng inang kalikasan para makamit ang isang mayabong at maunlad na pamayanan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *