Community Outreach Activity, isinagawa ng Rotary Club sa NegOr

Negros Oriental – Pinangunahan ng mga miyembro ng Rotary Club ng Dumaguete North ang isinagawang Community Outreach Activity sa mga mag-aaral ng Day Care Center na ginanap sa Brgy. Agay-an, Sibulan Negros Oriental nito lamang Setyembre 3, 2023.

Ang naturang aktibidad ay pinangunahan ni Atty. Joseph Tomacole, katuwang ang mga tauhan ng Negros Oriental Police Provincial Office sa pangunguna ni Police Colonel Ronan R Claravall, Acting Provincial Director.

Kabilang sa ipinamahagi ang mga school supplies, vitamins, laruan at libreng McDonald Happy Meal sa kagandahang-loob ni Ms. Tanya Tam, Owner at Proprietor ng McDonald – Dumaguete Branch.

Patuloy ang suporta ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan sa pagtupad ng mga pangarap ng ating mga kabataan, dahilan upang makamit natin ang isang malusog, mapayapa at nagkakaisang pamayanan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *