KKDAT-Tanza Chapter, nakiisa sa Feeding Program

Aktibong nakiisa ang Kabataan Kontra Droga at Terorismo(KKDAT) Tanza Chapter sa isinagawang Feeding Program sa Barangay Julugan 3, Tanza, Cavite nito lamang ika-1 ng Setyembre 2023.

Ang naturang aktibidad ay pinangunahan ng Tanza Municipal Police Station sa pamumuno ni Police Major Dennis A Villanueva, Officer-in-Charge, Tanza MPS katuwang ang iba pang Barangay Officials at mga nanay ng nabanggit na barangay.

Laking tuwa at pasasalamat ang tugon ng mga batang nabiyayaan ng mainit na chicken arroz caldo, pansit bihon at lumpia.

Layunin ng naturang aktibidad na mapanatili ang ugnayan ng mamamayan at kapulisan at siguraduhing tamang nutrisyon ang naibibigay sa mga bata.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *