Pagsasaayos ng Basketball Court isinagawa ng R-PSB Pangantucan

Masigasig na nagtulungan ang mga kabataan at Revitalized Pulis sa Barangay sa pagsasaayos ng isang basketball court sa Purok 1, Barangay Concepcion, Pangantucan, Bukidnon nito lamang Setyembre 2, 2023.

Sa naturang pagsasaayos ay nilagyan ng Basketball Board Ring ang Basketball Court sa inisyatibo ng Sangguniang Kabataan at Pangantucan PNP.

Bahagi ito ng Quick Impact Project ng R-PSB na matulungan ang mamamayan na nangangailangan. Bukod dito, mas mapapalakas ang ugnayan ng kapulisan at kabataan para sa isang maunlad at mapayapang komunidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *