Mga Kabataan at kababaihan, nakilahok sa Tree Planting activity

Aktibong nakilahok ang mga kabataan at kababaihan sa Tree Planting activity na isinagawa sa Brgy. Villa Lucban, Benito Soliven noong ika-4 ng Setyembre 2023.

Katuwang ng grupo ang kapulisan ng Benito Soliven sa pagtatanim ng iba’t ibang uri ng gulay at puno na kanilang mapapakinabangan at mapagkukunan ng pagkain.

Layunin ng aktibidad na magkaroon ng kapaki-pakinabang na gawain sa komunidad at magkaroon ng magandang ugnayan ang mga kabataan at mga residente para sa ikauunlad ng kanilang pamayanan.

Source: Benito Soliven PS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *