KKDAT Virac Chapter, nagsagawa ng Coastal Clean-up Drive Activity sa Virac Catanduanes

Virac, Catanduanes -Nagsagawa ng Coastal Clean-up Drive Activity ang mga miyembro ng Kabataan Kontra Droga at Terorismo Virac Chapter katuwang ang kapulisan ng Virac MPS na ginanap sa Barangay Talisoy, Virac, Catanduanes nito lamang ika- 3 ng Setyembre 2023.

Naging matagumpay ang isinagawang aktibidad sa pagtutulungan ng bawat isa sa paglilinis ng mga nakakalat na basura sa paligid ng dalampasigan.

Layunin nito na pangalagaan ang kalinisan sa mga baybaying dagat upang maprotektahan at mapangalagaan din ang mga nabubuhay na yamang dagat sa lugar.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *