Mga estudyante, nakiisa sa isinagawang Information Drive sa Cavite City

Nakiisa ang mga estudyante sa isinagawang Information Drive sa Garita Elementary School, Cavite City, Cavite nito lamang ika-6 ng Setyembre, 2023.

Ang aktibidad ay pinangunahan ni Police Staff Sergeant Myra Flor Distura, Women and Children Protection Desk PNCO ng Cavite City Police Station sa direktang superbisyon ni Police Lieutenant Colonel Christopher Guste, Officer-In -Charge.

Tinalakay ang PNP Oplan BES or (BISITA ESKWELA I AM STRONG): Balik Eskwela Safety Tips, 10 Karapatan ng Batang Pilipino and RA 7610 (Special Protection of Children against Exploitation, Discrimination and Abuses).

Tinatayang 50 estudyante mula sa Grade 6 ng nabangit na paaralan ang aktibong nakinig sa lektyur.

Layunin ng aktibidad na bigyang kaalaman ang mga mag-aaral sa mga dapat at di dapat gawin upang makaiwas sa krimen at hinikayat din ng PNP ang mga mag-aaral na makiisa at suportahan ang mga programa ng pamahalaan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *