Advocacy Support Group, aktibong nakiisa sa Feeding Program sa Cavite City

Aktibong nakiisa ang mga miyembro ng Advocacy Support Group sa isinagawang Feeding Program sa San Lorenzo Ruiz Elem School, Cavite City, Cavite nito lamang ika-6 ng Setyembre 2023.

Ang naturang aktibidad ay pinangunahan ni Police Lieutenant Colonel Christopher Guste, Officer-In-Charge ng Cavite City Police Station katuwang ang mga miyembro ng (SAMBIGKIS) LIONS and LEO’S Club Advocacy Support Group at mga guro ng na nabanggit na paaralan.

Laking tuwa at pasasalamat ang tugon ng mahigit na 100 estudyante sa natanggap na mainit na chicken macaroni soup.

Layunin ng naturang aktibidad na mapanatili ang ugnayan ng mamamayan at PNP na makatulong upang labanan ang ang malnutrisyon sa ating mga kabataan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *