KKDAT Liloan Chapter, nakilahok sa Tree Planting Activity

Cebu – Aktibong nakilahok ang mga miyembro ng Kabataan Kontra Droga at Terorismo (KKDAT) Liloan Chapter sa isinagawang Tree Planting Activity sa Barangay San Roque, Lilian, Cebu noong ika-9 ng Setyembre 2023.

Katuwang ng grupo ang kapulisan ng Liloan Municipal Police Station, LGU, Barangay Officials, Force Multipliers, Private Sectors at Stakeholders sa pagtatanim ng iba’t ibang uri ng puno sa nasabing lugar.

Layunin ng aktibidad na magkaroon ng kapaki-pakinabang na gawain sa komunidad at hinikayat din ng grupo ang mga residente na patuloy na pangalagaan ang ating kalikasan para maibalik ang kagandahan ng ating kapaligiran.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *