KKDAT Paracelis nakiisa sa 3rd National Simultaneous Earthquake Drill

Nakiisa ang mga miymbro ng Kabataan Kontra Droga at Terorismo (KKDAT)- Paracelis Chapter sa isinagawang 3rd National Simultaneous Earthquake Drill sa Butigue National High School, Paracelis, Mt. Province nito lamang Setyembre 7, 2023.

Ang mga miyembro ng KKDAT- Paracelis Chapter kasama ang kapulisan, kasundaluhan, BFP at mga guro ng Paracelis ang nagsilbing evaluators at nagbigay ng kanilang mga kritiko pagktapos ng aktibidad.

Ito ay kaugnay sa Republic Act 10121 o ang “Act Strengthening the Philippine Disaster Risk Reduction and Management System, providing for the National Disaster Risk Reduction and Management Framework and Institutionalizing the National Disaster Risk Reduction and Management and Management Plan”.

Ito rin ay naglalayong mapalawak ang kamalayan ng mamamayan upang maging handa sa posibleng lindol na maganap sa buong bansa.

Source: KKDAT- Paracelis Chapter

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *