KKDAT sumailalim sa Taekwondo Training sa Bustos, Bulacan

Sumailalim ang mga miyembro ng Kabataan Kontra Droga at Terorismo (KKDAT)sa pagsasanay sa Taekwondo na ginanap sa BMA Park, Barangay Poblacion, Bustos, Bulacan nito lamang Linggo, ika-10 ng Setyembre 2023.

Ito ay sa inisyatibo ng mga tauhan ng Bustos Municipal Police Station sa ilalim ng pamumuno ni Police Major Michael M Santos, Officer-In-Charge.

Tinuruan nang mga miyembro ng KKDAT ng Taekwondo na maari nilang magamit para sa pagdepensa ng kanilang mga sarili. Layunin ng aktibidad na mapalawak ang kaalaman ng mga kabataan at maiiwas sa mga masasamang gawain lalo na sa ilegal na droga at terorismo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *