BPATs Skills Enhancement Training, isinagawa sa NegOr
Negros Oriental – Sumailalim sa isang araw na pagsasanay ang mga miyembro ng Barangay Peacekeeping Action Team (BPATs) na ginanap sa Brgy. Hall, Brgy. Poblacion, Sta. Catalina, Negros Oriental nito lamang Setyembre 12, 2023.
Ang naturang aktibidad ay pinangunahan ng mga tauhan ng 705th Maneuver Company, RMFB7 sa pangangasiwa ni Police Colonel Dyan Vicente Agustin, Force Commander ng RMFB7, katuwang ang Barangay Officials sa pangunguna ni Hon. Welmar Taala, Brgy. Captain.
Matagumpay na naituro sa mga miyembro ng BPATs ang First Aid, Arrest at Handcuffing Techniques at Unarmed Defense Techniques.
Layunin ng aktibidad na ito na mapalakas at linangin ang kakayahan ng BPATs na kumilos bilang Force Multiplier o katuwang ng PNP sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa komunidad.