KKDAT at BPATs Flora Chapter, nakiisa sa Clean-up Drive

Matagumpay ang isinagawang clean-up drive sa kahabaan ng Barangay Road, West Flora Apayao nito lamang ika-11 ng Setyembre 2023. Ito ay pinasimulan ng mga tauhan ng Flora Municipal Police Station at nilahukan ng mga miyembro ng Kabataan Kontra Droga at Terorismo (KKDAT) at Barangay Peacekeeping Action Teams (BPATs) Flora Chapter.

Ang aktibidad ay naglalayong itaguyod ang kahalagahan ng sanitasyon sa kalusugan gayundin ang tamang pangangalaga sa kapaligiran.

Ito rin ay nagpapatunay sa nagkakaisang samahan ng pulisya at mga advocacy support group tungo sa pagpapalaganap ng magandang adhikain sa pagpapanatili ng malinis at ligtas na komunidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *