Mga estudyante, nakiisa sa isinagawang Information Drive

Nakiisa ang mga estudyante sa isinagawang Information Drive sa Rizal College of Taal, Brgy. Caloocan, Balayan, Batangas nito lamang ika-11 ng Setyembre, 2023. Ang aktibidad ay pinangunahan ni Patrolman Pat John Paolo Panganiban, sa direktang superbisyon ni Police Major Domingo Ballesteros, Jr, Acting Chief of Police ng Balayan Municipal Police Station.

Tinalakay ang Drug Awareness Information Drive, RA 8353- Anti Rape Law, RA 9262 VAWC, Awareness on Anti-illegal Drugs and Illegal Gambling Activities, Basag-Kotse, Akyat-Bahay, Anti- Terrorism Awareness, Information and Dissemination on PNP Recruitment Program, Child Welfare Act at iba pang mahahalagang bagay tungkol sa Police Managing Operation at E.O 70 o National Task Force to End Local Communist Armed Conflict NTF-ELCAC sa mga estudyante/on-job training ng nabanggit na kolehiyo.

Layunin ng aktibidad na bigyang kaalaman ang mga estudyante sa mga dapat at di dapat gawin upang makaiwas sa krimen at hinikayat ang mga ito na makiisa at suportahan ang mga programa ng pamahalaan tungo sa ligtas, tahimik at maayos na pamayanan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *