Clean-up Drive isinagawa sa Pangantucan, Bukidnon

Matagumpay na naisagawa ang Clean-up Drive sa Barangay Poblacion, Pangantucan, Bukidnon nito lamang umaga ng Linggo, Setyembre 17, 2023.

Nagtulong-tulong ang mga miyembro ng 1004th Maneuver Company, Regional Mobile Force Battalion 10, Barangay Officials, Local Government Unit, at Volunteers. Sama-samang nag-ikot ang mga naturang grupo upang kunin ang basurang nasa kalsada at kanal na siyang nagiging dahilan sa pagbaha.

Ito rin ay kaugnay sa Barangay Kalinisan Day o BarKaDa ng naturang lugar.

Mas pinalakas pa ang ugnayan ng pulisya at iba’t ibang grupo upang mapanatili at mapangalaan ang ating kalikasan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *