Kabataan, nakiisa sa Coastal Clean-up drive MisOr

Umaga pa lamang ay tumungo na ang mga kabataan at SRCB Criminology students sa lugar ng Man-iso, Barangay Mandagoa, Balingasag, Misamis Oriental upang makiisa sa isinagawang clean-up drive nitong umaga ng Sabado, Setyembre 16, 2023.

Katuwang sa paglilinis ang mga miyembro ng Balingasag Municipal Police Station 10, Bureau of Fire Protection 10, Bureau of Jail and Management and Penology, ACCERT Balingasag Chapter, at Barangay Peackeeping Action Team (BPATs).

Sama-samang nagpulot at nagwalis sa dalampasigan ang mga naturang grupo.

Ang aktibidad ay naglalayong mapanatili ang kalinisan sa pamamagitan ng pag-alis ng mga basura at pagprotekta sa kalikasan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *