Kaligkasan Warrior nakiisa sa Tree Planting Activity sa Balanga City, Bataan

Nakiisa ng mga miyembro ng Kaligkasan Advocacy Support Group sa isinagawang Tree Planting Activity sa Barangay Tuyo, Balanga City, Bataan nito lamang Sabado, ika-16 ng Setyembre 2023.

Pinangunahan ito ng mga tauhan ng First Provincial Mobile Force Company, Bataan PNP sa pamumuno ni Police Lieutenant Colonel Brownson B Ollaging, Force Commander.

Natulungan sa pagtatanim ng iba’t ibang uri ng punong-kahoy na magsisilbing lilim sa naturang lugar. Layunin ng aktibidad na muling mapayabong ang kapaligiran at maiwasan ang pagkasira ng kalikasan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *