2-Day Youth Camp nilahukan ng mga KKDAT sa Parañaque City
Aktibong nilahukan ng mga miyembro ng Kabataan Kontra Droga at Terrorismo o KKDAT ang isinagawang 2-Day Youth Camp; OVERCOME, MADE TO WIN na ginanap sa Highland Camp, Iba, Zambales nito lamang Sabado at Linggo, Setyembre 16-17, 2023.
Ang aktibidad ay naisakatuparan sa ilalim ng pamumuno ni PBGen Roderick D Mariano, District Director ng SPD, kasama ang District Community Affairs and Development Division at SPD R-PSB. Katuwang din dito ang Rawlings Foundation; Christian Coalition Movement (CCM) at Church Volunteers.
May kabuuang 255 na kabataan ang sumali sa naturang programa na labis na natutuwa dahil sa mga palarong inihanda ng nasabing grupo.
Layunin ng aktibidad na mapaigting ang pagkakaisa ng mga kabataan, kapulisan, simbahan at komunidad sa pagsugpo ng nga ilegal na gawain upang mapanatili ang kaayusan at kapayapaan ng pamayanan. Adhikain pa nito na mapataas ang kamalayan ng komunidad sa baluktot na sistema at mapanlinlang na taktika ng mga komunistang terorista lalo na sa mga kabataan.