Advocacy Support Groups, lumahok sa Tree Planting at Clean-Up Drive Activity sa Taguig City

Sama-samang lumahok ang iba’t ibang miyembro ng Advocacy Support Groups sa isinagawang Tree Planting at Clean-Up Drive Activity sa Marcelo Compound, Brgy. Bagong Tanyag, Taguig City nito lamang Sabado, Setyembre 16, 2023.

Ang aktibidad ay pinangunahan ng 8th Mobile Force Company ng Regional Mobile Force Battalion ng NCRPO kasama ang Patrol Police Force Multipliers Inc. sa pamumuno ni G. Louie Sacil, Presidente, PPMFI at Staff ng Barangay Bagong Tanyag.

Nakapagtanim ang grupo ng 50 seedlings ng Barako at Suha na donasyon nina G. Kamaljit Singh, G. Jasvir Singh at G. Gurdip Singh Brar, Foreign National Keeper’s Network ng NCRPO. Ang mga hakbanging ito ay nagsisilbing paalala na tayong lahat ay may bahaging dapat gampanan sa pangangalaga ng ating kapaligiran at ito din ay nag-aalok ng isang praktikal at napapanahong paraan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *