Coastal Clean-up Drive isinagawa ng LGU-Panaon

Misamis Occidental – Isinagawa ng Local Government Unit Panaon ang Coastal Clean Clean-up Drive sa Barangay Lutao, Panaon, Misamis Occidental nito lamang ika-16 ng Septyembre 2023.

Ang aktibidad ay aktibong nilahukan ng mga tauhan ng Ozamiz City Maritime Police Station kasama ang LGU Panaon, DENR 10, Marine Biology Students at SOS Bantay Dagat – Panaon. Sama-samang naglinis ang grupo mula sa Brgy.

Punta hanggang Brgy. Lutao at nakalikom ng sako-sakong basura. Ang naturang aktibidad ay kaugnay sa pag-gunita sa International Coastal Clean-up.

Layunin ng grupo na panatilihing malinis ang mga dalampasigan at kapaligiran na pinagkukunan ng hanap-buhay ng mga residente ng naturang barangay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *