KKDAT, nakiisa sa Clean- Up Drive sa Sultan Kudarat

Nakiisa ang mga miyembro ng Kabataan Kontra Droga at Terorismo (KKDAT) sa isinagawang clean-up drive sa Barangay San Pablo, Tacurong City, Sultan Kudarat nito lamang Lunes, Setyembre 18, 2023.

Sanib-pwersa sa malawakang paglilinis sa nasabing barangay ang mga kawani ng Sultan Kudarat PNP at pamahalaan ng Tacurong City katuwang ang mga KDDAT, Criminology Intern at iba pang sangay ng gobyerno, youth organizations, at mga volunteer mula sa mga non-government organizations at private companies bilang pakikiisa sa 2023 International Coastal Cleanup Day.

Ang ICC Day ay global event na nagkakaisa sa mga bansa at indibidwal na may layong tugunan ang paglobo ng polusyon o kalat ng mga basura sa pamamagitan ng paglinis sa mga ilog, lawa, daluyan ng tubig, maging ang mga ulat sa uri at dami ng mga basura sa naturang lugar.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *