Clean-up Drive, isinagawa sa MisOcc

Masayang nagtulong-tulong ang mga kabataan at Revitalized Pulis sa Barangay Misamis Occidental sa inilunsad na clean-up drive sa Barangay Toliyok, Oroquieta City, Misamis Occidental nitong umaga ng Martes, Setyembre 19, 2023.

Bitbit ang kanya-kanyang sako nag-ikot at namulot ng basura ang naturang mga grupo. Sa kabuuan nasa mahigit 10 sako ng iba’t ibang klase ng basura ang kanilang nakuha.

Ito ay bunga ng magandang ugnayan ng mamamayan at kapulisan para sa ikakaganda ng kalikasan at kapaligiran.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *