Force Multiplier, aktibong nakilahok sa Coastal Clean-up Drive Activity sa Aklan
Aklan – Aktibong nakilahok ang mga miyembro ng force multipliers sa isinagawang coastal clean-up drive activity sa Brgy. Unidos, Nabas, Aklan nito lamang ika-22 ng Setyembre 2023.
Katuwang ng grupo sa aktibidad ang Aklan Maritime Police Station, Second Aklan PMFC, Aviation Security Group-Caticlan, SOU/SRT, EOD/K9, Pastor Ritchie Alarcon ng Fundamental Baptist Church, Savior of the Sea (SOS)/AMPA Guard, Unidos Empowered Woman Organization Group, at mga benepisyaryo ng TUPAD, Triskelion Nabas Council, sa pakikipagtulungan ng Unidos Barangay Council.
Ipinakita ng aktibidad na ito ang kolektibong pagtutulungan at pagmamahal para sa kalikasan at kaligtasan ng karagatan.
Layunin ng naturang grupo na linisin ang baybaying-dagat ng Brgy. Unidos mula sa mga basura at dumi, upang mapanatili itong malinis at ligtas para sa mga mamamayan at makalikha ng kamalayan hinggil sa kahalagahan ng pangangalaga sa kalikasan.
Ang Coastal Clean-up Activity na ito ay bahagi ng mga pagsisikap na mapanatili ang kalikasan at ang kaligtasan ng karagatan sa Aklan.