Mangrove Tree Planting at Coastal Clean-up, nilahukan ng KKDAT Cebu Chapter

Masugid na lumahok ang mga miyembro ng Kabataan Kontra Droga at Terorismo (KKDAT) Cebu Chapter sa Mangrove Tree Planting at Coastal Clean-up sa Barangay Siocon, Bogo City, Cebu nito lamang Setyembre 23, 2023.

Ang aktibidad ay pinangunahan ni Police Lieutenant Verano Sacpa, Officer-In-Charge 701st MC na siyang aktibong nilahukan ng Chairperson ng Company Advisory Council, Atty. Carla Aton, at Rotary Metro Bogo District 3860.

Bunga ng kanilang pagkakaisa, nakapagtanim ang grupo ng nasa 160 na Mangrove seedlings at ilang sako ng basura ang nalikom.

Ang mga hakbanging ito ay nagsisilbing paalala na tayong lahat ay may bahaging dapat gampanan sa pangangalaga ng ating kapaligiran upang mapanatili ang kalinisan ng ating kapaligiran.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *