KKDAT Maragondon nagsagawa ng Tree Planting at Clean-up Drive

Nagsagawa ang mga miyembro ng Kabataan Kontra Droga at Terorismo (KKDAT) Maragondon Chapter ng Tree Planting at Clean-up Drive sa Barangay Laong Mabilog, Maragondon, Cavite nito lamang Setyembre 22-23, 2023.

Katuwang sa aktibidad ang Maragondon Municipal Police Station sa pamumuno ni Police Major Crispin Mangupag, Chief of Police; barangay officials at mga On-Job trainees ng istasyon.

Tinatayang 100 fruit bearing trees ang naitanim at ilang sako ng basura ang nalikom sa paglinis ng nabanggit na grupo.

Layunin nitong pangalagaan ang mga punongkahoy na magbibigay ng lilim, preskong hangin at pagkain at magsilbing panangga sa baha, landslide at global warming at panatilihin ang kalinisan ng kapaligiran para makaiwas sa sakuna at sakit.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *