Mangrove Tree Planting activity isinagawa sa MisOcc

Umabot sa 2000 propagules ng punong bakawan ang naitanim sa tree planting activity sa Barangay Mialen, Clarin, Misamis Occidental nito lamang Setyembre 23, 2023.

Lumahok sa pagtatanim ang iba’t-ibang ahensya ng pamahalaan gaya ng Philippine Coast Guard 10, Maritime Pulis Ozamiz Maritime Station, DENR-CENRO Ozamis City, at Mialen Municipal Police Station. nakiisa rin ang Globalport Ozamis, at Kabalikat CIVICOM.

Ang naturang pagtatanim ay kaugnay sa darating na 122nd Philippine Coast Guard Anniversary na gaganapin sa Clarin, Misamis Occidental.

Ang naturang tree planting activity ay mapangalagaan ang kalikasan at hinihikayat ng awtoridad ang pamayanan na makiisa at mapanatili ang kagandahan ng inang kalikasan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *