Barangay Workers, nakiisa sa Clean-up Drive sa Oroquieta City

Nakiisa ang mga miyembro ng barangay workers sa isinagawang clean-up drive sa Barangay Toliyok, Oroquieta City, Misamis Occidental nito lamang Setyembre 26, 2023.

Katuwang ng barangay workers sa paglilinis ang mga miyembro ng Revitalized Pulis sa Barangay (R-PSB) Misamis Occidental sa pangunguna ni Police Corporal Joseph Barrientos, Team Leader.

Naglibot ang mga grupo na may dala-dalang sako upang magpulot ng basura nakakalat sa daan. Ito ay bunga ng magandang ugnayan ng kapulisan at mamamayan sa pagpapanatili ng kalinisan ng kapaligiran.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *