Faith Based nakiisa sa Feeding Program sa San Narciso, Zambales

Nakiisa ang mga miyembro ng Faith Based Advocacy Support Group sa isinagawang Feeding Program para sa mga mag-aaral ng Alusiis Elementary School , Barangay Alusiis, San Narciso, Zambales nito lamang Lunes, ika-25 ng Setyembre 2023.

Nakipagtulungan ang mga tauhan ng San Marcelino PNP sa pamumuno ni Police Major Bryant B Odien, Acting Chief of Police.

Namahagi ng libreng lugaw para sa mga mag-aaral ng naturang lugar. Patuloy ang mga miyembro ng Faith Based Advocacy Support Group sa pagsuporta sa mga programa ng pulisya lalo na sa pamimigay ng tulong sa mga mamamayan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *