Mangrove Planting Activity, isinagawa sa Tiwi Albay

Tiwi, Albay- Nagkaisa ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan kabilang ang Tiwi Municipal Police Station, Philippine Coast Guard, Local Government Unit Tiwi at NGO’S sa isinagawang Mangrove Planting Activity sa Barangay San Lorenzo, Tiwi, Albay nito lamang ika-26 ng Setyembre 2023.

Ang naturang aktibidad ay pakikiisa sa pagdiriwang ng ika-60th Fish Conservation Week na may temang “Masaganang Pangisdaan, Maunlad na Ekonomiya.”

Nasa mahigit 200 puno ng Mangrove seedlings ang matagumpay na naitanim sa naturang lugar na may layunin na patuloy na protektahan, pangalagaan at magkaroon ng karagdagang tirahan ang mga nabubuhay sa yamang dagat.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *