Mga estudyante, nakiisa sa isinagawang Information Drive sa San Mateo, Rizal
Nakiisa ang mga estudyante sa isinagawang Information Drive sa Sto. Niño Elementary School, Brgy. Sto. Niño, San Mateo, Rizal nito lamang ika-27 ng Setyembre, 2023.
Ang aktibidad ay pinangunahan ni Police Senior Master Sergeant Anthony T Francisco, PCAD PNCO sa superbisyon ni Police Major Rodiard Dela Peña, Officer-In-Charge ng San Mateo Municipal Police Station. Malugod na tinanggap ng mga estudyante mula Grade 5 at 6 ng nabanggit na paaralan ang mga flyers na ipinamigay ng mga pulis at nakinig ng mabuti sa tinalakay na Crime Prevention Tips on 8 Focus Crimes, Rape Prevention Tips, R.A. 9262 o Violence Against Women and their Children Act of 2004, R.A. 7610 o Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act, R.A.11313 o Bawal Bastos Law, Anti-Terrorism Campaign at RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Layunin ng aktibidad na bigyang kaalaman ang mga mag-aaral sa mga dapat at di dapat gawin upang makaiwas sa krimen, droga at insurhensya at hinikayat din ng PNP ang mga mag-aaral na makiisa at suportahan ang mga programa ng pamahalaan.