Oath taking Ceremony ng Advocacy Support Group isinagawa sa Muntinlupa City
Aktibong nilahukan ng bagong miyembro ng Advocacy Support Group Members at Force Multipliers ang Oath Taking Ceremony na ginanap sa Covered Terminal, Southville 3, Brgy. Poblacion, Muntinlupa City nito lamang Sabado, Setyembre 30, 2023. Ang seremonya ay pinangasiwaan ng tauhan ng 1st MFC RMFB NCRPO sa pamumuno ni Police Captain John Lloyd G Bawag, Company Commander.
Ito ay dinaluhan ng 65 na kalahok, kabilang ang mga miyembro ng Sandigan Police Task Force Multipliers, Sandigan Youth Organization at Force Multipliers Muntinlupa. Ang aktibidad na ito ay alinsunod sa Executive Order 70 (Institutionalizing the Whole-of-Nation Approach in Attaining Inclusive and Sustainable Peace, paglikha ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict) at naglalayong paigtingin ang kampanya kontra sa deceptive recruitment ng mga Front Organizations sa bansa.
Ang kanilang panunumpa ay sumisimbolo sa kanilang pangako at dedikasyon upang maging kaisa sa adhikain ng gobyerno. Kasunod ng makabuluhang seremonya, isang mensahe ang ipinaabot ni PMAJ EDGAR S TIGBAO, Punong BCAS-RMFB, bilang kanilang panauhing pandangal kung saan kanyang ipinarating ang kanilang mahalagang papel sa pakikipagtulungan at pakikilahok sa mga hakbangin ng gobyerno.
Nagsagawa rin ng lecture para sa mga miyembro ng Advocacy Support Groups (ASG) sa iba’t ibang paksa, kabilang ang masamang epekto ng ilegal na droga, terorismo, paraan ng panghuhuli at self-defense.
Ang kanilang suporta at boluntaryong pakikiisa ay isang napakalaking bagay upang makamit ang isang nagkakaisa at tahimik na bansa.