Blood Letting Activity, isinagawa sa Eastern Samar

Eastern Samar- Nagsagawa ng Blood Letting Activity ang mga kawani ng TAU GAMMA PHI – Triskelion’s Grand Fraternity Borongan City Council na ginanap sa Covered Court Eastern Samar Police Provincial Office, Borongan, Eastern Samar nito lamang Oktubre 2, 2023.

Ang aktibidad ay inisyatiba ng TAU GAMMA PHI – Triskelion’s Grand Fraternity Borongan City Council at sa pakikipagtulungan ng Leyte Samar Student Organization, Provincial Health Office of Eastern Samar, Philippine Guardians Brotherhood INC at mga tauhan ng Eastern Samar PPO.

Ang nasabing aktibidad ay may temang “Blood Charity is a Resiliency” na naglalayong makalikom, makatulong at makapagbahagi ng libreng dugo sa mga pasyenteng may malalang karamdaman at nangangailangan ng dugo upang madugtungan ang kanilang buhay at maibsan ang alalahanin ng kanilang mga pamilya.

Patuloy na maglilingkod at magpapaabot ng tulong ang nasabing grupo sa mga mamamayan bilang pagpapakita ng pagmamalasakit sa kapwa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *