Outreach Program, matagumpay na isinagawa ng PRO 2 Officers Ladies Club

Isang Outreach Program ang matagumpay na isinagawa ng mga miyembro ng Police Regional Office 2 Officers Ladies Club (OLC) na ginanap sa PCO Club House Camp Marcelo A Adduru Tuguegarao City Cagayan nito lamang September 29, 2023. Nasa 37 na mga learners with special needs ng Cataggaman Elementary school and naging benepisyaryo ng aktibidad.

Masayang tinanggap ng bata ang kanya-kanyang school supplies, 5 kilo ng bigas, grocery items at food packs.

Naging bisita sa programa si Ginang Olivia A Acorda, PNP OLC Adviser at maybahay ni Chief PNP, Police General Benjamin C Acorda Jr. Samantala, nakatanggap din ang paaralan ng printer at bond paper at Php10,000.00 na gagamitin para sa pag-aaral ng mga bata. Naging mas makulay ang aktibidad nang magpakitang gilas na ang mga bata sa pamamagitan ng sayaw at pakikilahok sa iba’t ibang parlor games na inihanda ng grupo. Kita sa mukha ng mga bata at kanilang mga magulang, guardians at guro ang labis na pasasalamat sa ibinigay na mga tulong at oras sa mga bata.

Naroon din sa aktibidad sina Ginang Leila R Rumbaoa, PRO 2 OLC President, iba pang mga aktibong miymebro at sina Ginang Mildred T Birung isa sa PRO 2 OLC Adviser.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *