World Rabies Day Celebration 2023, isinagawa ng Force Multipliers sa Biliran
Naval, Biliran – Matagumpay na isinagawa ng mga Force Multipliers ang pagdiriwang sa World Rabies Day Celebration 2023 sa Caray-caray Covered Court, Brgy. Caray-caray, Naval, Biliran nito lamang Setyembre 28, 2023.
Ang aktibidad ay sinimulan ni Hon. Jeffrey N. Merez, Barangay Captain ng Caray-caray na naghatid ng welcome message, pagkatapos ay nagbigay ng presentasyon sa kahalagahan ng aktibidad si Ginoong Edgar T. Veloso, Co-Vice Chair ng PRPCC/PHO at kasama sa dumalo ang Biliran Provincial Rabies Prevention and Control Committee, mga tauhan ng Biliran Police Provincial Office at mga residente ng nasabing barangay.
Ang aktibidad ay may temang “All for 1, One Health for All”. Iba’t ibang paksa ang tinalakay sa nasabing aktibidad kabilang ang Rabies Vaccination Accomplishment, Human Rabies Updates & Responsible Pet Ownership, at Penalties ng RA 9482 “The Anti-Rabies Act of 2007”.
Nag-alok din ang PRPCC ng libreng pagbabakuna laban sa rabies ng aso at libreng pagkakastrat sa parehong mga aso at pusa sa mga residente.
Ang pangunahing layunin ng aktibibidad ay pagsikapang gawing “Free-Rabies Province” ang Biliran. Ang pagiging “Probinsya ng Libreng-Rabies” ay nangangahulugan na ang lalawigan ay naglalayon na ganap na maalis ang mga kaso ng rabies sa populasyon ng mga hayop. Ito ay karaniwang nakakamit sa pamamagitan ng kumbinasyon ng strategic rabies vaccination campaigns, responsible pet ownership education at pakikipag-ugnayan sa komunidad.