Advocacy Support Group, nakiisa sa National Peace Consciousness Month sa Iloilo
Iloilo ā Nakiisa ang mga miyembro ng Advocacy Support Group sa programang National Peace Consciousness Month na may temang: “Kapayaan: Responsibilidad ng Bawat Mamamayan” sa Barangay Caraudan, Janiuay, Iloilo nito lamang ika-28 ng Setyembre 2023.
Katuwang sa aktibidad ang 603rd Company ng RMFB 6, Janiuay Municipal Police Station, 82IB, 3ID Philippine Army, Janiuay Local Government Unit, Regional Health Unit ng Janiuay, Kapatiran Iloilo Chapter, Movement for Agrarian and Rural Advancement (MARA), Barangay Council ng Barangay Caraudan at dumalo rin si Ms. Rose Matocan mula sa Provincial Planning Division Office, Dir. Christina Loren Umali ng Office of the Presidential Adviser on Peace, Reconciliation and Unity, at Atty. John Leo Solinap mula sa National Housing Authority.
Ang aktibidad na ito ay taunang isinasagawa batay sa Proclamation No. 675 na inilabas noong 2004 na naglalayong mapalalim ang pag-unawa sa komprehensibong prosesong pangkapayapaan at palaganapin ang kultura ng kapayapaan sa ating lipunan.
Isinagawa sa naturang programa ang Ground Breaking Ceremony ng Access Road patungo sa Kapatiran Settlement Site sa Sitio Camansi, Brgy. Caraudan, Janiuay, Iloilo at libreng medical check-up at pamamahagi ng School Supplies para sa mga mag-aaral mula Grade 1 hanggang Grade 3 ng Caraudan Elementary School.
Sa pamamagitan ng pagsasagawa ng mga ganitong aktibidad, patuloy na pinapalaganap ang diwa ng kapayapaan at pagtutulungan sa ating komunidad tungo sa mas mapayapa at mas maunlad na kinabukasan para sa ating mga mamamayan.