KKDAT GenSan, nakiisa sa Tree Planting Activity

Nakiisa ang mga miyembro ng Kabataan Kontra Droga at Terorismo (KKDAT) General Santos City Chapter sa isinagawang tree planting activity sa Barangay San Isidro, Lagao, General Santos City noong Oktubre 2, 2023.

Ang aktibidad ay pinangunahan ng Regional Training Center 12 katuwang ang mga miyembro ng KKDAT-GenSan Chapter, mga guro at mag-aaral ng Lagao National High School.

Ang mga nasabing grupo ay nagtulong-tulong na maitanim ang mahigit 100 punla ng mga iba’t ibang punong kahoy .

Ang aktibidad ay naglalayong mabawasan ang nararanasang epekto ng climate change at mapanatili ang pagbibigay importansya ng kalikasan sa ating buhay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *