KKDAT-Natonin nakiisa sa Tree Planting and Clean-up Drive

Nakiisa ang mga miyembro ng Kabataan Kontra Droga at terorismo (KKDAT) Natonin Chapter sa isinagawang Tree Planting at Clean-up Drive sa Barangay Saliok, Natonin, Mt. Province nito lamang ika-30 ng Septyembre 2023.

Ang aktibidad ay dinaluhan ng mga tauhan ng Natonin PNP, BFP-Natonin, Philippine Army at Youth for Environment. Ang mga nasabing grupo ay nagtulong-tulong na nagwalis at pinulot ang mga nakatambak na basura sa naturang lugar.

Samantala, matagumpay na nakapagtanim ang nasabing grupo ng 25 piraso ng betel nut seedlings at 25 piraso ng alnus trees.

Ang aktibidad na ito ay naglalayong panatilihin ang kalahagahan ng ating inang kalikasan upang maiwasan ang lumalalang climate change sa ating bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *