Mga estudyante, nakiisa sa Information Drive sa Siniloan, Laguna

Nakiisa ang mga estudyante sa isinagawang Information Drive kaugnay ng PNP OPLAN BES (Bisita Eskwela) sa Siniloan Elementary School, Brgy. Wawa, Siniloan, Laguna nito lamang ika-29 ng Setyembre, 2023. Ang aktibidad ay pinangunahan ni Police Corporal Giena Fae L Laggui, Operation PNCO ng Siniloan Municipal Police Station sa direktang superbisyon ni Police Major Robin Martin, Acting Chief of Police.

Nakinig ng mabuti ang mga estudyante mula Grade 6 sa tinalakay na Anti-Illegal Drugs, Anti-Terrorism at Anti-Rape Campaign.

Layunin nitong ipabatid sa mga mag-aaral ang batas, mga dapat at di dapat gawin upang makaiwas sa krimen, droga at insurhensya at hinikayat mag-ingat lagi at mapagmatyag sa mga kahina-hinalang tao sa paligid.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *