Advocacy Support Group, nakiisa sa BIDA Program Campaign sa Negros Occidental
Manapla, Negros Occidental- Nakiisa ang mga miyembro ng Advocacy Support Group sa BIDA Campaign na ginanap sa Manapla National High School Quinaroyan Annex, Manapla, Negros Occidental nito lamang ika-2 ng Setyembre 2023.
Pinangunahan ng Manapla Municipal Police Station ang aktibidad katuwang ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) Manapla at aktibong sinuportahan ng pamahalaang lokal ng Manapla.
Tinalakay sa mga mag-aaral ng Manapla National High School Quinaroyan Annex ang Anti-Illegal Drug Awareness and Anti-Terrorism Campaign.
Ang aktibidad ay naglalayong magbigay kaalaman sa mga mag-aaral ukol sa mga inisyatiba ng Pambansang Pulisya (PNP) sa pagsugpo ng ilegal na droga at kaguluhan sa bansa. Bukod dito, isinagawa rin ang pamamahagi ng mga food packs sa nasabing aktibidad.
Kasama rin sa aktibidad ang School Head na si Ginang Maricel G. Tuayon, na nagbigay ng masusing gabay upang maging matagumpay ang nasabing symposium.
Ang aktibidad ay nagpapakita ng malasakit ng mga kawani ng Manapla Police Station, DSWD Manapla, at LGU Manapla sa mga mag-aaral at sa komunidad.
Ito ay kolektibong pagsusumikap ng lahat ng sektor ng lipunan na labanan ang ilegal na droga at terorismo, habang nagbibigay edukasyon at kamalayan sa mga kabataan.