Gender and Development Training, isinagawa sa Tacloban City

Aktibong nakilahok ang mga empleyado ng Perpetual Help Multi-Purpose Cooperative sa isinagawang Gender and Development Training na ginanap sa Brgy. 55 El Reposo, Tacloban City nito lamang Oktubre 3, 2023.

Ang naturang aktibidad ay inisyatiba ng Community Affairs and Development Unit ng Tacloban City Police Office na nilahukan ng mga empleyado ng PHCCI-Multi-Purpose Cooperative.

Layunin ng pagsasanay na mapalawak ang kaalaman ng mga kalahok tungkol sa mga karapatan, mga tamang paggawi, tamang pakikitungo, at mga batas na prumoprotekta sa bawat miyembro ng komunidad.

Ito din ay isang paraan para mabigyang pansin ang hindi pagkakapantay-pantay ng mga kasarian o “gender biases” sa ating komunidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *