KKDAT nakiisa sa Tree Planting Activity sa Dipaculao, Aurora

Nakiisa ang mga miyembro ng Kabataan Kontra Droga at Terorismo (KKDAT) sa isinagawang Tree Planting Activity sa Barangay Dinadiawan, Dipaculao, Aurora nito lamang Huwebes, ika-5 ng Oktubre 2023.

Pinangunahan ito ng mga tauhan ng Aurora 2nd Provincial Mobile Force Company sa pamumuno ni Police Lieutenant Colonel Cielo L Caligtan, Force Commander.

Nagtulungan ang naturang grupo sa pagtatanim ng mga punong-kahoy sa naturang lugar. Layunin ng aktibidad na mapanatili ang kagandahan ng kapaligiran at pangalagaan ang kalikasan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *